Tuesday, March 29, 2005

Gimik!

Sabado ng gabi
walang pasok sa trabaho
tapos na ang exams
text sa barkada
gustong gumala at gumimik
naghahanap ng magagawa
gustong maging masaya
nagbabakasakaling me makita o makilala
pero kahit kuwentuhan lang, ok na

sine, inuman, bar hopping
kung ano man ang mapagtripan
ganun na naman...
nakakasawa na, wala bang iba?
yun na lang ba lagi ang kahihinatnan
sa bawat bote sa bawat tagay
pilit na kinukumbinse ang sarili
may kahihinatnan may patutunguhan
ayaw tanggapin na baka ang buhay
walang malalim na kahulugan
natatawa ako...

naakyat na ang mga bundok
pinasok na ang mga gubat
lumipad sa ulap at sumisid sa dagat
may hatid na panandaliang aliw
mapa ngiti man lang kahit minsan
para makalimutan ang pagkabagot
sa buhay na walang katiyakan

siguro may kulang pa
mayron bang hinihintay?
may gusto bang mangyari?
hindi ko alam
sana may mapag tanungan
kung ano ba ang hinahanap
wag na lang isipin
wala rin mangyayari
tumawa na lamang
at baka lumipas din
sabi nga...
tama na yan, inuman na!

3 comments:

  1. anong kulang... babae lang yan. ehehehe ;)

    ReplyDelete
  2. Sa dinami dami ng mga pwedeng magkulang sa buhay ng tao syempre yun ang naisip mo... Deprived ka ata talaga dyan eh... Hehehe

    ReplyDelete
  3. pag may napagtanungan ka at maganda ang ansagot ..pakisabi ako rin may gusto itanong hehehe!

    ReplyDelete